Thursday, June 10, 2010

MAGANDANG ARAW!

NAIS NAMING IPABATID NA ANG BLOG NA ITO AY BUBURAHIN NA. GANON PA MAN AY MAAARI NYO PA RING SUNDAN ANG AUTHOR NG BLOG NA ITO (FOLLOW) SA http://www.akosiliet.blogspot.com.

MULI, MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGING BISITA NG BLOG NA ITO!!!

SA MGA KATANUNGAN AT SUHESTYON, MAAARI KAYONG MAKIPAG-UGNAYAN SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPADALA NG INYONG LIHAM SA makabayan_youth@yahoo.com

SALAMAT!

Saturday, May 15, 2010

Pasasalamat


Tulad ni GMA, hindi rin ako tumangkad. Sa loob ng dagdag na apat na taon ay  hindi  rin ako tumaba. Ako pa rin yung bulinggit na nakipagbrasuhan para lamang makapag-enrol sa PUP. Mahirap mang tanggapin pero gumradweyt ako ng ‘di man lang lumalagpas sa 5’1” ang aking taas at 36 kilos ang aking timbang. Pero ganon pa man ay hindi pa rin matutumbasan ang saya na aking nararamdaman dahil sa loob ng apat na taon ay napuno naman ng humigit kumulang 5 feet at 36 kilos ang aking kaalaman. Marami akong natutunan...

Kakagising ko lang mula sa isang simpleng salo salo kagabi. Pansit, inumin, ulam at kanin. Masaya dahil kasama ko ang mga taong bumubuo ng buhay ko. At kahit di ganon kaplanado ay nabuo at nag-enjoy kami. Sayang at wala din yung iba. Medyo nakarecover na rin ako mula sa  graduation fever. whoooh. Mula sa stress na naramdaman ko para lang tapusin lahat ng requirement para maka-gradweyt, sa pagbabandera ng banner habang nag-martsa hanggang sa nakakahilong byahe pauwi. Napakasaya ko at natapos ko na ang isa sa mga pinakamakahabang bagay na dapat gawin ng tao. Ang mag-aral sa paaralan. Mabuti at tapos na lahat ng academic stress. Ayoko na. Marahil ay sawa na ako sa mga ganon. Ayoko ng ma-pressure sa paggawa ng project na itatapon lang naman ng nagpagawa. Ayoko ng matakot sa mga masusungit na titser. Ayoko ng mapahiya kapag hindi ko alam ang isasagot ko sa recitation. Ayoko ng magbunot at mag-foot sock. Ayoko ng mag-uniform. Ayoko ng mangopya at mandaya. Ayoko ng magutom dahil wala na akong pamasahe kapag kumain pa ako. Ayoko ng ma-boring sa mga prof na walang ibang ginawa kundi magkwento ng buhay at accomplishement nila. Ayoko ng makipagpatalinuhan sa mga classmate ko. Tama na. Gusto ko nalang ay maging malaya sa lahat ng gusto kong gawin.

Ngunit ganon pa man, tuloy tuloy lang ang pag-aaral at paggamit ng aking mga natutunan para sa interes ng sambayanan!!! Dahil naniniwala ako na wala pa ring hihigit sa paglilingkod sa bayan. At wala ng mas hihigit pa sa kagustuhan nating ialay ang ating karunungan para sa mga masa. Ito ang hamon sa bawat graduate – ang gamitin ang karanugan para bayan at maging bahagi ng pagbabagong panlipunan!

At sa pagkakataong ito ay nais kong magpasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking tagumpay. Sa aking pamilya at mga magulang na patuloy na umaagapay sa akin maraming salamat. Salamat sa di matatawarang suporta na ibinibigay ninyo sa akin. Salamat sa pagmamahal na ibinibigay ninyo sa akin mapasahanggang ngayon. At higit sa lahat ay maraming salamat sa pagsuporta ninyo para sa aking mga ginagawa. Salamat dahil alam kong kasama ko kayo. Kay Mama at Papa, muli maraming maraming salamat.

Nais ko ding magpasalamat sa aking mga kaibigan. Sa lahat ng luha, saya at karanasan maraming maraming salamat. Salamat sa lahat ng karanasan at karunungang natutunan ko dahil sa inyo. Salamat sa pagkakaibigang binuo natin para matuto sa isa’t isa. Iba’t iba man tayo ng pagkatao ay naging isa tayo. Sa mga naging kaklase ko, salamat.

Sa aking mga naging guro mula elementary, sa hayskul at sa kolehiyo maraming maraming salamat. Kayo na may malaking ambag sa aking pagkatuto. Mula sa pagtuturo sa akin ng pagsulat at pagbasa hanggang sa ganap kong pagkatuto. Kayo na hindi nagsawang ialay ang buhay upang hubugin ang isipan ng mga bagong pag-asa ng bayan. Pinagpupugayan ko ang inyong dedikasyon sa pagtuturo! Sa mga guro ko noong elementary na nakikita ko pa rin hanggang ngayon, sa mga titser ko noong hayskul at sa mga prof ko (kasama na ang mga nakaailitan ko) ngayong kolehiyo, mabuhay po kayo!

At higit sa lahat ay nais kong magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng aking lubos na pag-unlad bilang tao. Sa aking mga kasama at mga kolektib. Kay Ron, Dayan at Ysay salamat. Sila ang mga pinakaunang tao na nagdala sa akin sa daang tinatahak ko ngayon bilang isang mabuting anak ng bayan. Kay Ate A.k, kuya Obet at Kuya Panggoy na mga naging inspirasyon namin noong kami ay nagsisimula, salamat. Sa lahat ng aming mga naging kasama sa mga gawain. Sa mga kasama na naging bahagi ng aking pag-unlad. Sa mga masa na nagturo sa akin ng napakaraming bagay. Sa mga kaibigan natin sa kanayunan. Sa mga nagparanas sa akin ng sakripsyo. Sa mga nagsama sa akin sa makabuluhang laban at digmaan. Sa mga nagbigay sa’kin ng karunungan upang maintindihan ang lipunan. Sa mga kasama na naging lakas ko sa panahong ako ay nanghihina. Sa mga nagpakilala sa aking sarili. Sa isang kasama na nagsisilbi kong inspirasyon sa pagkilos. Kay Angge, Anne, Juriz, Ret, Tala, Sarah, Rj, Jz, Maan, Kenneth, Jocelyn, Benhur, Rix, Jordan, Karen, Liezl, Joan, Jude, Archer, Laika, Lyca, Cherry, Angelique, Kervin, Clyde at Ren Ren. Kay Don Don, Mark, Momoy, Mimet, Tikling, Dick,  Ayan, Manuel, Arvin, Pepe, Badet, Mami, Tita Rose, MC,  Jojo, Venus, Lina, Tutoy, Joana, Enteng,  Jm, Harold, Raffy, Guto, Roman, Bong, Mimel, Volter, Karl, Arnel, maraming maraming salamat. At sa lahat ng kasama na patuloy kong pinagpupugayan!

Muli, salamat sa lahat ng naging bahagi ng aming pagsisimula at pagtatapos.

MABUHAY ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN!
TULOY ANG LABAN NG KABATAAN!!!

Friday, May 7, 2010

A personal appeal for the May 10 elections

Dear Friends,

This Monday, we go to the polls to elect a new set of officials for our country. Let us take this opportunity to vote into office progressive leaders whose integrity is beyond doubt; whose commitment to serve our people and readiness to sacrifice self-interest for the common good is matched by their track record.

For partylist, please vote Bayan Muna (number 122 on the ballot).

I am currently one of Bayan Muna's representatives in Congress and, with your support, hope to serve for a third and final term. My fellow nominees, Atty. Neri Colmenares and Atty. Joven Laura, are brilliant lawyers who have chosen the less trodden path of human rights and public interest lawyering. Together, we shall continue to be a voice of the marginalized and underrepresented sectors in Congress, advocates of genuine reform and social change, and examples of righteous, principled and competent leadership.

For senator, please vote (37) Satur Ocampo  and (33) Liza Maza .

I have worked with Satur and Liza in Congress for the past six years. They are exemplary public servants with unblemished and proven track records of serving the poor and oppressed. They are leaders whose integrity are intact and whose principles cannot be bought. They are a much needed voice in a senate dominated by traditional politicians and representatives of the ruling elites.

More importantly, let us vote Bayan Muna for partylist, and Satur Ocampo and Liza Maza for senators because they embody the kind of politics that this country desperately needs - the politics of change. Their nationalist and democratic platform includes:

1. Economic reform based on an equitable redistribution of wealth and the protection and development of the local economy (primarily through genuine agrarian reform, national industrialization, progressive taxation, budget reprioritization and reform);
2. The full respect for human rights and democratic rights of our people;
3. Assertion of national sovereignty and independence from foreign domination and control;
4. Fighting corruption and the systematic plunder of the national coffers and the national economy and patrimony;
5. A comprehensive and negotiated resolution of the armed conflicts through peace talks.

For more information, you may visit the following sites: http://bayanmuna.net/ and http://www.makabayan.org.ph/

Once again, I appeal to you to assert your power to change the status quo. Iboto po natin ang mga subok na makabayan at makamasa: Bayan Muna partylist sa Kongreso, Satur Ocampo at Liza Maza sa Senado.

Maraming salamat po.


Teddy CasiƱo
Partylist Representative, Bayan Muna

Thursday, May 6, 2010

Update for our Online Mock Polls

Para sa mga nahihirapang makita ang result ng ating  ONLINE MOCK POLLS ay minarapat kong kunin partial result at ilagay dito.
 
TOP 5 Presidentiables:
1. Villar, Manuel "Manny" 85 (49%)
2. Teodoro, Gilbert "Gibo" 28 (16%)
3. Aquino, Benigno "Noynoy" III 19 (10%)
4. Gordon, Richard "Dick" 15 (8%)
5. Estrada, Joseph "Erap" 7 (4%)
Madrigal, Jamby 7 (4%)
Perlas, Nicanor "Nicky" 7 (4%)

***with 173 online voters

TOP 5 Vice Presidentiables:
1. Binay, Jejomar "Jojo" 75 (44%)
2. Legarda, Lorna Regina "Loren" 43 (25%)
3. Roxas, Manuel "Mar" II 26 (15%)
4. Fernando, Bayani "BF" 11 (6%)
5. Yasay, Perfecto "Jun" 8 (4%)

***with 167 online voters

TOP 12 SENATORIABLES:
1. OCAMPO, SATURNINO CUNANAN 157 (88%)
2. MAZA, LIZA LARGOZA 147 (83%)
3. TAMANO, ADEL ABBAS 53 (29%)
4. DEFENSOR SANTIAGO, MIRIAM PALMA 53 (29%)
5. CAYETANO, PILAR JULIANA SCHRAMM 50 (28%)
6. DRILON, FRANKLIN MAGTUNAO 29 (16%)
7. SOTTO, VICENTE III CASTELO 28 (15%)
8. MARCOS, FERDINAND, JR. ROMUALDEZ 26 (14%)
9. ENRILE, JUAN PONCE 25 (14%)
10. HONTIVEROS-BARAQUEL, ANA THERESIA HONTIVEROS 23 (12%)
11.LIM, DANILO DELA PUZ 23 (12%)
12. ESTRADA, JINGGOY EJERCITO 19 (10%)
***with 177 online voters

Please invite more to Join!
http://www.makabayan2010.blogspot.com

Tuesday, May 4, 2010

Ang Aking Senador!

May iba pa bang senatorial candidate ang gagawa ng ganito? At meron ba sa mga tumatakbong senador ang kayang isuko ang kanyang kalusugan upang ipahayag ang kanyang mga programa o plataporma sa masa?

Ito ang aking senador, bukod sa PALABAN at MAKABAYAN ay simple at sinsero!

MABUHAY SI KA SATUR!

Iba pang mga litrato kaugnay nito:



  

2nd Flr, UCCP Bldg. 877, EDSA, Quezon City

Monday, May 3, 2010

Legislative Track Record of (37) Satur Ocampo


Bills passed into law: 
 
Anti-Torture law (RA 9745)
Rent Control Act of 2009 (RA 9635)
Tax Relief for Minimum Wage Earners Act of 2008 (RA 9504)
Public Attorney's Office Act of 2006 (RA 9406)
Abolition of Death Penalty (RA 9346)
Overseas Absentee Voting Act of 2003 (RA 9189)
Philippine Nursing Act of 2002 (RA 9173)
 
Total bills filed: 88
14th Congress = 38
13th Congress = 29
12th Congress = 21
Total resolutions filed: 323
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
COMMITTEES

14th Congress
Deputy Minority Leader
Member, Committee on Rules
Ex-officio member of all House committees

13th Congress
Chair, Committee on Peace, Unity and Reconciliation others

12th Congress
Member, Committee on Human Rights
Member, Suffrage and Electoral Reforms
others
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

14th Congress Bills by Category
 
*those with links lead to the consolidated bill approved on third reading by the House of Representatives

HUMAN RIGHTS
1. Repeal of RA 9372 or the Human Security Act
2. Martial Law Victims Compensation Act
3. Anti-Enforced Disappearance Act
4. National Day of Remembrance Act (in memory of the martyrs of the martial law era)
5. Anti-torture Act (now RA 9745)
6. Human Rights Clearance Act
7. Act Defining Certain Rights of Human Rights Defenders 

EDUCATION
1. Child Nutrition Law of 2007
2. National Teachers’ Day Act 

APPROPRATIONS
1. Act Repealing the Automatic Appropriation for Debt Service

FREEDOM
1. Freedom of Information Act
2. Freedom of Expression Act
3. An Act Decriminalizing Libel
4. Act Providing Grounds and Procedure to Restrict Right to Travel
WOMEN and CHILDREN’S RIGHTS
1. Amending Famiy Code, Granting the Right to Remarry after Spouse obtains Divorce
2. Act Amending the Family Code of the Philippines (re Marriage License)
3. Act Amending the Revised Penal Code

AGRICULTURE
1. GMO-Free Food and Agriculture Act
2. Rice Industry Development Act

SENIOR CITIZENS
1. Senior Citizens’ Act (free hospitalization)
2. Act Establishing Senior Citizens Wards
3. Act Exempting Bank Deposits of Senior Citizens from 20% Withholding Tax on Interest Income
4. National Elderly Filipino Broadcasting Day

HEALTH
1. Low Cost, Safe and Effective Medicines Act
2. Health Workers Day Act 

LABOR
1. Migrant Workers and Overseas Filipino Act (expanding gov’t legal services to workers in distress)

GOVERNANCE
1. Act Prohibiting President from Making Appointments to Judicial Positions during the period provided under Section 15 Article VII of the Constitution
2. An Act Prohibiting the Establishment of Political Dynasties
3. Philippine Disaster Management Act

JUSTICE
1. Anti-strategic Lawsuits Against Public Participation (Anti-SLAPP) Act
2. Command Responsibility Act
3. Act Prohibiting and Penalizing Deputization of any unit of AFP or any para-military groups for Law Enforcement Duties in Labor and Agrarian Disputes

SUFFRAGE
1. Party-list System Act

MUSLIM/NATIONAL CULTURAL COMMUNITIES
1. Ethnic Origin Act
2. Act Declaring March 6 as Bud Dahu Day (Commemorating the Bangsamoro People’s resistance to foreign occupation)

SYMBOLIC
1. Act Renaming Don Mariano Marcos Avenue in QC to Senator Lorenzo Tanada Avenue
2. Act Renaming the Alabang-Zapote Road in Las Pinas City to General Edilberto Ecangelista Avenue
3. Act Declaring July 7 as Working Holiday to Commemorate Founding of Katipunan

Sunday, May 2, 2010

Senator Chiz Escudero for Liza Maza and Satur Ocampo



Senator Chiz Escudero endorses Nationalista Party guest senatorial candidates Satur Ocampo and Liza Maza during the unveiling of Ka Bel's sculpture in Plaza Miranda.

Monday, April 26, 2010

Bayan Muna tops BW-SWS survey




BusinessWorld-Social Weather Stations (BW-SWS) conducted a survey last week. The question asked was:

 “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang presidente, bise-presi-dente, mga senador at party-list ng Pilipinas? Narito ang listahan ng mga kandidato. Paki shade o itiman po ang naaangkop na oval katabi ng panga-lan ng taong pinakamalamang nin-yong iboboto."

 (If the elections were held today, whom would you most probably vote for as president, vice-president, senator, and party list of the Philippines? Here is a list of candidates. Please shade the oval beside the name of the persons you would most likely vote for.) 

The survey showed that militant group still leads the partylist election and will probably get 3 seats in the House of the Representative.

Bayan Muna Partylist (5.9% )
• Gabriela Women’s Party (Gabriela), 5.1%;
• Ako Bicol Party (AKB), 4.7%;
• Akbayan Citizens Action Party (Akbayan), 4.5%;
• Buhay Hayaan Yumabong (Buhay), 4.5%;
• Alliance of National Urban Poor Organizations Assembly (ANUPA), 4%;
• Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines (Senior Citizens), 3.6%;
• Anakpawis Partylist (Anakpawis), 3.4%;
• Advocacy for Teacher Empowerment through Action, Cooperation, and Harmony towards Educational Reforms (A Teacher), 2.7%;
• An Waray Party-list (An Waray), 2.6;
• Abono Party List, 2%; and
• the Ang Laban ng Indiginong Filipino Party (ALIF), 2%
• the Alliance for Barangay Concerns (ABC), 1.9%;
• Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC), 1.7%;
• Atong Paglaum, 1.7%;
• Cooperative-National Confederation of Cooperatives (COOP-NATCCO), 1.6%;
• Butil Party List (Butil), 1.6%;
• Kabataan Partylist, 1.4%;
• Liquefied Petroleum Gas Manufacturers Association (LPGMA), 1.4%;
• 1 ang Pamilya (formerly ANC), 1.3%;
• Kalinga Partylist (Kalinga), 1.1%;
• 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK), 1.1%;
• Anak Partylist (Anak), 1%;
• Citizens Battle Against Corruption (CIBAC), 1%;
• 1st Consumers Alliance for Rural Energy (1-CARE), 0.96%;
• Pamilyang OFW-SME Network Foundation (OPO), 0.96%;
• Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD), 0.95%;
• ACT Teachers, 0.81%;
• Womenpower, 0.81%;
• Aba Ilonggo, 0.74%;
• Abante Mindanao (Abamin), 0.73%;
• Ugnayan ng Nagkakaisang Layunin at Adhikaing Dakila (UNLAD Pilipinas), 0.72%;
• 1Guardians Nationalist of the Philippines (1GANAP/Guardians), 0.64%;
• Ang Asosasyon sang Mangunguma nga Bisaya-Owa Mangunguma (AAMBIS-OWA), 0.62%;
• Kaunlaran ng Agrikultura, Asensadong Probinsya Angat ng Bayan (Kaagapay), 0.61%;
• Democratic Independent Workers’ Association (DIWA), 0.60%;
• Alyansa ng OFW Party (0.60%);
• Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan (AGHAM), 0.60%;
• Ang Asosasyon ng mga Trabahador at Pahinante (Ang Trabahante), 0.59%;
• Action League of Indigenous Masses (ALIM), 0.57%; and
• the A Blessed Federation of Farmers and Fishermen International (A Blessed Party-List), 0.57%.

Thursday, April 22, 2010

Satur Ocampo: True democracy is founded on the interests of the masses and not of the ruling elite


It is high time that we send one of the best legislators to the Senate to truly represent the marginalized and under-represented majority.

From journalist to social activist, peace and human rights advocate and now three-term congressman (under BAYAN MUNA Party-list), Rep. Saturnino "Satur" Cunanan Ocampo has truly earned his place as one of the most known and respected leaders of the opposition and the progressive people's movement in the country.

Born to a family of landless tenant farmers on April 7, 1939 in Sta. Rita, Pampanga, Satur's life has always been tied to the ordinary people's struggle for justice and equal opportunity.

As a key opposition figure, Ocampo has withstood the government's sustained brutal political repression against him and his party. These attacks only strengthened Satur’s militancy both in the halls of parliament and in the streets.

Always in the forefront of the Filipinos' struggle against exploitation, oppression, and marginalization, he believes that true democracy is founded on the interests of the masses and not of the ruling elite. He views Congress as a venue to address the people’s issues - to push for his countrymen's well-being and to oppose measures that infringe upon their rights.

Satur has authored or co-authored several bills that were passed into law such as the Anti-torture Law (RA 9745), Tax Relief for Minimum Wage Earners Act of 2008 (RA 9504), Strengthening of Public Attorney's Office Act of 2006 (RA 9406), Abolition of the Death Penalty (RA 9346), Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 (RA 9262), Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (RA 9208), and Overseas Absentee Voting Act of 2003 (RA 9189).


SENATORIAL PLATFORM



Satur C. Ocampo aims to be the voice of equal opportunity in the Senate. He is committed to working for the upliftment of the poor and marginalized in Philippine society: the farmers, workers, fisherfolk, urban poor, indigenous peoples, women, youth, employees and Filipino entrepreneurs.

Satur also hopes to pursue in the Senate his long-time advocacy for peace and human rights.


1. Uplift the poor and marginalized
Work for the upliftment of the economic conditions and dignity of the truly poor and marginalized

2. Nationalism in government and the economy
Pursue a nationalist economic policy and a government that is truly accountable to the people and serves the national interest above all

3. A just and lasting peace
Pursue a peace policy that seeks to resolve the roots of the armed conflict

_______________________________________________________________


You may visit www.satur4senator.com to learn more about Ka Satur. There you may read his full profile and platform. You may sign up as a volunteer, learn about the different ways you can help the campaign and download materials such as jingles, flyers and posters.

You may also follow Satur on Twitter (www.twitter.com/teamsatur) and Facebook.

For the win,


SATUR OCAMPO 4 SENATOR MOVEMENT
2nd flr., UCCP Bldg., 877 EDSA
3596628 | www.satur4senator.co

Tuesday, April 20, 2010

Noynoy Aquino: Walang Bahid?

Isang maikling video documentary mula sa Bulatlat.com na tumatalakay sa pamilyang Aquino at ang Hacienda Luisita. Dito ay binasag ng Bulatlat.com ang mga katagang si Noynoy Aquino ay "walang bahid" ng pagnanakaw, anomalya at pagsasamantala. Inilihad dito na mulat sapul pa lang ay bahagi na si Noynoy ng  pagsasamantala sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. At bagamat, si Noynoy ay nagpahayag na siya ay handang ipamigay ang lupa sa mga magsasaka kung sakaling siya ay maging pangulo, kitang kita pa rin na hindi nya ito mapanindigan. Lalo na nang isa sa mga kamag-anak nya (mula sa pamilya  Cojuangco) na may mas mataas na porsyento ng pagmamay-ari sa Hasyenda ay nagpahayag na hindi nila ito papayagan.

Nais lang din linawin dito na bukod sa isyu ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ay nararapat na manindigan si Noynoy para bigyanng hustisya ang mga biktima ng Hacienda Luisita Massacre na kumitil sa 7 magsasaka at manggagawang bukid ng Hasyenda.


For more in Hacienda Luisita and the massacre visit:
http://www.bulatlat.com/main/luisita

Vote in the online mock polls!


Kodao Productions have setup an online poll for candidates of the 2010 National Elections.

This includes the online voting for President, Vice President, Senators and even Partylist.

Vote now at http://www.kodao.org/elections2010mockpolls

Sunday, April 18, 2010

Remembering Luisita

The Hacienda Luisita massacre is an outstanding issue of the people vs Noynoy Aquino.
 

Six years after, the Hacienda Luisita massacre remains an outstanding issue of the Filipino toiling masses against the Cojuangco-Aquino clan. This brief video commentary talks about why it is very important come the 2010 elections and Noynoy Aquino’s presidential bid, to tackle the issue of the massacre and reflect on the life … and death of the Luisita farm workers.



Stop School Budget Cuts --Megan Fox


Transformers star Megan Fox in a satire vs school budget cuts. Reminds us of what Globalization and the present and past Presidents  in the country have also been doing to the country’s state colleges and universities.

Wednesday, April 7, 2010

Once a Gabriela, always a Gabriela!

Hot Seat: Liza Maza



Malinaw. Deretso. Matapang. 

Yan ang mga naging tugon ni Rep. Liza Maza nang siya ay humarap sa HOT SEAT ng Bandila last April 5. Yun nga lang ay medyo kulang ang oras upang maipaliwanag pa ng mas malalim ang ating MAKABAYANG PLATAPORMA! Pero gaano pa man naging limitado ang oras ay maayos na naipresenta ni ka Liza ang kanyang mga adbokasiya sa loob ng senado.

Mabuhay si Ka Liza Maza!

Maaari din kayong bumisita sa mga ss.:
Makabayang Koalisyon
Liza Maza for Senator

  
Courtesy: BANDILA

Saturday, March 27, 2010

Angel Locsin for Liza Maza

 

Isang video kung saan ay sinasabi ni Angel Locsin, aktres at tagapagsulong din ng karapatan ng mga kababaihan ang kanyang mga rason kung bakit siya ay boboto para kay LIZA MAZA.
 
Ito ay kuha sa shoot ng MAZALine, kasama si Sandra Araullo, anak ni  Bagong Alyansang Makabayan chair Carol Araullo.

Source: Sinagharaya’s YouTube channel.

Friday, March 26, 2010

Children Call for the Release of Love Ones, Freedom for the 43



Egoy and Vince, son of Dr. Merry Mia and grandson of Dr. Alex Montes (together with relatives of the Morong 43 and Salinlahi Alliance for Children's Concerns) asking the military to release the 43 Health Workers from illegal detention.

This only shows that even kids know how to express the sentiments of those who are in pain!

THE DOCTOR IS IN PAIN!
FREE THE 43 HEALTH WORKERS NOW!

Date the video was shoot: March 06, 2010

Wednesday, March 24, 2010

PARA SA DI MATAPOS TAPOS NA ISYU NG NAGLILIPARANG BANGKO SA PUP

Nakakalungkot na sa kabila ng napakabigat na laban ng mga kabataan at ng mga iskolar ng bayan sa PUP ay mas nagiging laman pa ng mga discussions, blog articles, online forums at ilang mga pahayag sa media ang di-umanoy “DI-AKMA at NAPAKABAYOLENTENG” aksyon ng mga estudyante hinggil sa nakaambang tuition fee increase sa PUP. Nakakarindi na maging sa internet ay mas nagiging laman na ng usapan ang nagliliparang bangko, mesa at ang arawang pagsusunog ng mga estudyante sa PUP kesa sa tunay na isyu. Nakakahiya na sa kabila ng papaigting na protesta ng mga kabataan laban sa TFI ay walang sagot ang pamahalaan kundi ang tigilan na ang karahasan.

KAMI PA BA ANG NAGIGING MARAHAS? KAMI PA BA ANG NAGIGING BAYOLENTE? KAMI PA BA ANG MAY MGA DI-AKMANG AKSYON? Hindi ba’t mas marahas na sa isang bansang tulad natin ay ipinagkakait sa iyo ang karapatan mo para sa mura at kalidad na edukasyon? Hindi ba’t mas bayolente na patayin mo ang pag-asa ng bawat kabataan para makapagtapos at magkaroon ng magandang kinabukasan dahil sa pag-aabondona ng gobyerno sa sektor ng edukasyon? At hindi ba’t mas DI-AKMA na ipinapapasan mo sa mga estudyante ang bayaring dapat ay responsibilidad ng gobyerno sa pamamagitan ng garapalang pagtataas ng matrikula? Hindi ba’t mas marahas, mas bayolente at mas di-akma na imbes na dinggin mo ang hinaing ng mga kabataang ito ay patuloy ka sa pagbibingi-bihngihan at pagpapatuta sa isang gobyernong kailanman ay hindi nagbigay pagpapahalaga sa mga kabataan!

Nais ko lang bigyan diin na mas malaking usapin HIGIT SAAN PA MAN ang isyu ng halos 2000% Tuition Fee Increase! Ito ang tunay na isyu. Ito ang usapin. Ito ang mahalaga. Huwag tayong magpalunod sa argumento ng iilang makasarili at may kakitiran ang pag-iisip. Dahil sila ang walang alam. At sila ang walang pakialam sa tunay na kalagayan ng bawat iskolar ng bayan!

Ngunit para sa nais ng kasagutan kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga ginagawang protesta ng mga estudyante ng PUP, ito ang ilang punto na dapat nyong ikonsidera:

Ang paghahagis ng upuan, mesa at pagsusunog ng mga bulok na kagamitan ng PUP ay isang simbolikong protesta upang irehistro ang matinding galit ng mga estudyante hinggil sa nakaambang pagtataas ng matrikula. Hindi ito isang barbarikong aksyon tulad ng paratang ng iba. Ito ay paninindigan upang protektahan ang batayang karapatan ng libo libong iskolar ng bayan at ng bawat kabataan!

Ang galit ng mga estudyante ng PUP ay hindi lamang bunga ng nakaambang tuition fee increase. Ito ay bunga na rin ng kawalan ng tiwala at matinding disgusto ng mga estudyante sa administrasyon ng PUP dahil na rin sa ilang ulit na panggigipit sa mga ito.

Sa ilang taon nang panunugkulan ni Dr. Dante Guevarra bilang president ay napakarami ng polisiya ang kanyang ipinasa na sumisikil sa mga batayang karapatan ng mga estudyante. Nandyan ang tangkang 650% tuition fee increase o P12 to P75/unit increase noong 2007. Nandyan ang P300 to P500 increase sa PUPCET fee. Nandyan ang mga iligal at mapanikil na bayarin na patuloy na binabayaran ng mga estudyante ng PUP tulad ng SIS Fee, energy fee, processing fee, scannable and dev't fee atbp. Nandyan din ang pakikipagsabwatan ng administrasyon ni Guevarra sa mga ahente ng military upang tiktikan ang mga lider estudyante. Nandyan din ang panggigipit sa bahagi ng publikasyon at konseho ng mag-aaral dahil na rin sa pagiging kritiko nito sa administrasyon ng PUP.

Sa mga ilang nabanggit na pambabalahura sa mga iskolar ng bayan, hindi pa ba ito sapat upang magsiklab ang galit nila? Hindi pa ba ito sapat upang sabihing walang mali sa ginagawa ng mga estudaynte at ang mali ay ang tahasang pagbabalewala sa demokratikong karapatan ng mga kabataan para sa edukasyon? At hindi pa ba ito sapat upang makiisa ka sa laban nila imbes na maging kritiko ng akto nila? Ang tunay na isyu ay ang nakaambang tuition fee increase at ang tunay na salarin na dapat usigin ay ang gobyerno at hindi sila. Hindi ang mga estudyanteng lumalaban para sa karapatan maging ng iba. Marahil ay nakikisimpatya ka din naman sa kanilang laban ngunit nagpapatali ka pa rin sa ideya na mali ang ginagawa nila kaya nandyan ka pa rin at walang pakialam. Isipin mo, mas ayos nang masira ang mga silya, mesa at iba pang kagamitan kesa ang kinabukasan mo at ng bawat kabataan ang sirain nila.

At para sa nagsasabing kayang iresolba ito sa tahimik na paraan tulad ng pakikipag-diyalogo. Hindi namin kahit kailan itataya o isusugal ang kinabukasan ng mga kabataan sa isang diyalogo kasama ang mga taong wala namang kredibilidad sa pagtupad ng kanilang mga binibitawang salita. Isa pa, sa mga nakaraang diyalogo ay lalo lamang nilang pinatutunayan ang pagiging anti-estudyante nila. Sabi ng administrasyon noong March 22 sa isang diyalogo: “Kaya nga natin maagang pinaabot sa mga estudyante na magtataas tayo ng tuition fee nang sa ganon ay kung hindi nila kayang pumasok sa PUP, ay wag na silang pumasok. Kailangan lang naman natin silang i-mind set”.

 Dagdag pa nito ay nagbitiw din ng salita si Dr. Guevarra na kung hindi daw kaya ng mga estudyante ang pagtataas ay wag na daw tayong mag-aral. Ito ba ang diyalogong aasahan mo sa ganitong kalaking usapin? At dito mo ba isusugal ang kinabukasan ng libo libong kabataan?

Lilinawin ko din na ang isyu ay hindi KUNG KAILANGAN BA NG TUITION FEE INCREASE dahil ang susing usapin ay KUNG NARARAPAT BA ITO! Nararapat ba ito sa isang pamantasang dapat ay binibigyan ng pondo ng pamahalaan. Dahil ang mas nararapat ay ang manawagan upang bigyan tayo ng mas mataas na badyet upang masustina ang pangangailangan ng mga iskolar ng bayan at hindi sa pamamagitan ng pagpapapasan sa estudyante ng mga kaukulang bayarin. 

At sa ngayon, nagpahayag na ang Malakanyang na itigil na ang marahas na pagkilos lalo't dinidinig pa ang panukala.

Ngayon, ibalik natin sa kanila ang pakiusap nila na kung maari ay tigilan na nila ang pagpapahirap at panggigipit sa mga kabataan at sa mga iskolar ng bayan!At ibigay na dito ang kanilang demokratikong karapatan para sa edukasyon!

Ang mga protestang isinasagawa ng mga kabataan ay hindi isang pakiusap o papakikipag-kompromiso sa gobyerno, ITO AY PANININGIL SA RESPONSBILIDAD NG PAMAHALAAN upang bigyan tayo ng kalidad na edukasyon. At ito ay magpapatuloy hanggang ang ating gobyerno ay patuloy sa pag-abandona sa sector ng edukasyon!

IBASURA ANG HEMA OF 1995!
TUTULAN ANG LTHEDP!
ITAAS ANG BUDGET SA EDUKASYON!


EDUKASYON PARA SA LAHAT!!!

Tuesday, March 23, 2010

SONA ng BAYAN!

Ito ang pinakauna kong blog post noong panahon na sinubukan kong gumawa ng blog. Anyway, in-import ko ito dahil deactivated na yung previous blogsite ko. Binasa ko ito uli at kahit wala na syang element ng TIMELINESS eh ayos pa rin: 

ANIM NA ARAW NA LANG at gaganapin na ang pang-siyam at pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Gloria.

Masyado lang akong nasasabik na makita kung ilang libong mamamayan na naman ang magmamartsa sa lansangan upang idaos ang “SONA NG BAYAN!”.

Ilang magsasaka kaya ang luluwas ng Maynila para ipanawagan ang sariling lupa at at tunay na repormang agraryo.

Ilang manggagawa kaya ang ‘di mangingiming lumiban sa kanilang trabaho para ipanawagan ang disenteng trabaho at mas mataas na sahod.

Ilang kabataan na naman kaya ang mangangahas na mag-walk out sa klase para sumuporta sa laban ng batayang sektor at ipanawagan ang Edukasyon para sa Lahat.

Ilang kawani ng gobyerno kaya ang muling magbo-boycott ng SONA ng presidente at sasama sa lansangan upang magmartsa.

Ilang abogado, duktor, scientist at mga propesyunal kaya ang makikilahok sa protesta.
Ilang politiko, artista at mga sikat na personahe kaya ang magsasalita sa entablado para sa kanilang sariling agenda bukod sa pagkundena sa mga programa at patakaran ni Gloria!

ILANG LIBO KAYA SILA (KAMI)?

Protesta ANTI- SONA ang pinakaunang demonstrasyon nilahukan ko bilang aktibista.

Tanda ko pa lahat ng nangyari nang unang sumama ako sa rali; konti ang pagkain, nabilad sa araw tapos umulan, basta mahirap. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko yun ininda. Siguro, dahil sa agitation na naramdaman ko. Masaya ako noon dahil naging bahagi ako ng pagkilos ng mamamayan. Naging bahagi ako ng laban nila (namin).

Naalala ko tuloy yung dating nilahukan kong rali para ipinawagan ang TUNAY NA REPORMANG AGRARYO at PAGBASURA SA CARPER. Agitated ako nun kahit walang tigil ang ulan. Nagbibigay ako ng mga leaflets sa mga tao habang nagmamartsa. May lalaki akong nilapitan at binigyan ng leaflets, mariin nya itong tinanggihan. Sa kabila ng pagpapaliwanag ko sa kanya ay panay ang tugon nya na: Sayang lang ang pagod n’yo, wala na kayong magagawa dyan! Walang kwenta ang pinaglalaban nyo!

Ewan pero sobra akong nainis sa pahayag nyang yun! Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-uudyok nyang wala na “kayong” magagawa. Sino ba ang tinutukoy nyang “kayo”? Hindi ba’t ito ang mamamamayan? Hindi ako makapaniwala sa paniniwala nyang wala ng magagawa ang mamamayan.

Sa bawat pagsambit nya ng kanyang linya ay para bang sinasabi nyang WALANG KAHIRAPAN, WALANG KAGUTUMAN, WALANG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO at PARA BANG WALANG DEMONYO SA PALASYO!

Naisip ko tuloy, siguro hindi pa nya nararanasan ang kahirapan, kagutuman at panghahaharas ng estado na isinisigaw namin. (inosente lang ang nagtataka)

At naisip ko lang, baka sa panahon na maranasan nya ang kahirapan, kagutuman, pandarahas, panunupil, pananamantala o mawalan ng trabaho ay saka nya lang mapagtanto na totoo pala ang kahirapan at kagutumang inakala nyang haka haka lamang ng mga tinagurian nyang patay gutom na mga magsasaka. Saka nya lang itatanong sa sarili nya bakit nga ba ito nangyayari. Saka nya lang maisip na totoo pala ang panunupil ng estado sa mamamayan at malaki ang pananagutan dito ng gobyerno. Saka lang nya maintindihan kung bakit nung panahon na tumanggi syang basahin o kunin man lang ang leaflets na inaaabot ko ay pilit ko sa kanya itong ipinaiintindi. Saka nya lang malalaman ang sagot sa tanong kung bakit may aktibista. Saka nya lang itatanong sa sarili nya kung bakit nga ba mayaman ang Pilipinas pero naghihirap ang sambayanang pilipino (MKLRP). Saka nya lang maiisip na nakikinabang pala s'ya sa tagumpay ng 'taong bayan' pero wala s'yang pakialam!

At saka nya lang mapagtatanto na nagkaroon pala sya dati ng pagkakataon na ipaglaban ang kanyang karapatan ngunit kinutya nya ito at tinanggihan.

Pero ang nakakalungkot ay HINDI LAMANG SYA NAG-IISA!

Napakaraming tao na hanggang ngayon ay kwinikwestyon pa rin ang kahalagahan at tagumpay ng sama samang pagkilos. Napakaraming tao ang hanggang ngayon ay ‘di pa rin alam ang nararapat nilang gawin o kung alam man nila ay wala silang PAKIALAM. Napakaraming tao ang hanggang ngayon ay di marunong makinig at umintindi ng kanyang kalagayan.


At napakarami pa ring taong nais manatili sa pagitan ng dalawang nagtutunggaliang pwersa ng lipunan at habang buhay na sumalig sa kanilang Comfort zone.

Pero ang maganda ay MAY PAGKAKATAON PA.

May pagkakataon pa para makinig, umintindi at manindigan para sa mga panlipunang usapin. Sa totoo lang, wala ng ibang panahon para lumaban. Ngayon na ang panahon para manindigan!

Isipin mo, hindi lang sumisigaw ang taumbayan sa kalsada (rali) tulad ng iniisip mo, SILA AY NANININDIGAN SA BAWAT SIGAW! At bawat sigaw ay may kasamang pag-asa na darating araw na may lupa na ang bawat magsasaka; may trabaho at karampatang sahod ang bawat manggagawa; may edukasyon ang bawat kabataan; natatamasa ang karapatan ng bawat isa; at may maayos at tapat ng serbisyong panlipunan!

Ito ang pinaglalaban nila!

Isipin mo, hindi tayo ang nag-umpisa ng laban ng sambayanang Pilipino. Matagal na ito sa kasaysayan. Ngunit, kaylangan lang nating ipagpatuloy ang kanilang naging tagumpay!


Kung hindi ka kikilos,
ILANG MAYAMAN PA ANG LALONG YAYAMAN,
AT MAHIRAP ANG LALONG MAGHIHIRAP?
ILANG KABATAAN PA ANG MAGTATRABAHO SA NAPAKAAGANG PANAHON?
ILANG MAG-AARAL PA ANG GA-GRADUATE NGA NGUNIT WALANG ALAM

AT ILANG GLORIA PA ANG HINIHINTAY MONG DUMAAN?

Huwag kang maging unfair sa henerasyong tinatarantado ng iilan dahil may panahon ka naman para lumaban.

AT HIGIT SA LAHAT,
Huwag mong hayaang habambuhay ka na lang maging “BENIFICIARIES” ng tagumpay ng mamamayan!

Monday, March 22, 2010

Saturday, March 20, 2010

Mensahe ng Pakikiisa sa Laban ng mga Iskolar ng Bayan

Since I am part of our Sintang Paaralan o ng Polytechnic University of the Philippines, minarapat kong ilagay ang aming official statement sa personal blog ko:


Bayan Muna Partylist (PUP Chapter) is one with the students of PUP and our friends in the fight to stop tuition fee increase. The students walk-out last friday and continuing protests against the PUP administration's proposals to implement a more than 1,500% tuition hike from P12 to almost P300 per unit only show the students' resolve to stop any fee hike for the sake of future students of the university.

We are vehemently opposed to the administration's proposals to increase tuition in PUP precisely because any fee increase will make education a costlier commodity, and thus will deprive more youth of the chance to get quality education in the tertiary level. At present, education has become a privilege only for those who can afford it.

Majority of Filipino youth can no longer afford a college education. The PUP remains as one of the very few universities left in the country that offer relatively affordable tuition per unit, after the University of the Philippines System earlier increased tuition, its other fees and rebracketted its STFAP.

The administration's proposals to increase tuition in PUP, beginning with incoming freshmen, are clearly shameless, insensitive, unjustifiable and unacceptable, however which way we look at the issue. If they have no other proposal favorable to students, it would be for the best that they resign their posts so that new administrators may be able to take charge and offer alternative remedies.

We strongly stand and believe that education is a right and can be made accessible to all, regardless of socio-economic status. Quality education need not be costly for students, especially in state colleges and universities, if only the national government allocates sufficient budget for education.

BAYAN MUNA PARTYLIST has consistently fought for the youth and students' rights and welfare. To stop tuition hikes, our representatives in Congress filed resolutions and bills that respond to the youth and students' needs, such as House Bill 2440: An Act Imposing A Three Year Moratorium On Tuition And Other Fee Increases On All Educational Institutions.

We have called on the president, fellow legislators, and proper government agencies such as the CHEd and DepEd, to do what it takes to prevent tuition hikes and to make quality education accessible to more youth. And we have eventually reached a certain degree of success. Our House Bills have been deliberated in Congress yet some representatives kept stalling the bills' approval until the 14th Congress adjourned. Therefore we will continue the legislative actions for the youth when the next Congress opens after the polls, now with Representatives Satur Ocampo and Liza Maza to represent us in the Senate in the future.

Representative Teddy Casino said before in the Plenary, "... It is not enough to have a moratorium on fee increases in our SUCs. As important will be a substantial increase in their budgets. I expect that in the next budget hearings, the Executive will present a budget that increases the SUCs share by 30-50% of their existing budgets."

He also challenged Congress to "immediately act on pending measures that seek to regulate tertiary education and ensure its affordability in order to guarantee the youth's right to an accessible, if not free and quality education. The President should also certify these as urgent..."

We have every reason to continue the fight for our right to education here in PUP, in the streets and in the halls of Congress and the Senate

FOR THE STUDENTS WE REMAIN,
Bayan Muna Partylist (PUP Chapter)

YOUTH RISE UP!
PUP Community Unite!
Stop Tuition and Other Fee Increases (TOFI)!
Moratorium on all TOFI Now

Related post:
Kabataan Partylist